Sunday, January 24, 2010

teksto ng paglalarawan


Ang Aking Talambuhay
ni:Bienvinido L. LunodJr.


Ang tekstong ito ay naglalaman ng mga detalying patungkol sa tunay kung buhay at kung ano talaga akong uring pagkatao. Pati na rin kung ano ang pangarap ko sa aking buhay.

Ako si Bienvinido L. Lunod Jr. pansamantalang nakatira dito sa Pag-asa St.,Roxas ave, Davao City. Tubong Camiguingnon po ako doon na rin ako lumaki , simpleng tao lang din ako. Ako labing pitong taon gulang single, at kasalukuyang nag aaral sa Unibersidad ng Timog Silangang Pilipinas sa kursong Bachelor of Science in Electrical Engineering. Noon ay kinuha ko rin ang kursong Bachelor of Science in Economics sa parehong unibersidad ngunit ngayon ay natagpuan ko na ang ang tunay na kurso para sa akin bata pa lamang ako ay pangarap ko na ang kursong ito. Nakapagtapos na rin ako ng short term course yun ay ang Computer Literacy and Operaion Training sa Fatima College of Camiguin. Siyam po kaming magkakapatid apat ang babae at lima ang lalaki ngunit pumanaw na po ang pangalawa naming panganay na lalaki sa aming magkakapatid. Sa panyayaring iyon labis ang nadarma naming pagdadalamhati sa aming pamilya. Pang lima po ako sa aming magkakapatid. Sa kasalukuyan ay apat kaming magkakapatid na andito sa davao. Ang apat naman ay nadoon sa Camiguin kasama ang aming mga magulang. Ang panganay namin ay may asawa na, ang isa naman matapos ang pagaaral niya ay siya naman ang sumusoporta ngayon sa aking pag-aaral. Ang isa naman ay kasalukuyang nagaaral ngayon. Noon pa man ay pangarap ko nang maging isang Electrical Engineer. Kahit mahirap ay di parin akong nawalan ng pag asa na makamit ko ang pangarap na yun.

Sa ngayon ay sobra ang pasasalamat ko sa aking kapatid na siyang nagpapa aral sa akin at sumusuporta sa anumang problema mayroon ako. Dahil sa kanya ay nabigyan liwanag at buhay ang pangarap kung inaakalang mtagal nang namatay. Kaya ngayon ay patuloy parin ang ang pagsisikap na maabo ang panagrap at lumalaban upang malampasan ang mga problema na darating sa buhay. Sisikapin kung matapos ang kursong matagal ko nang pangarap nang sa ganun ay makatulong din ako sa mga magulang ko at mga nakababatang kapatid.

teksto ng paglalahad


UseP
ni: Bienvinido L.LunodJr.




Depinisyon:
Isang napakataas na na kalidad na unibersidad.
Abot kaya sa lahat nang mag aaral ang tuition fee.
Komplitong pasilidad para sa pag aaral.
Umaalok ng napakaraming iskolarship.

Enumerasyon:
Tuition fee
1.200.00/unit
Iskolarships (internal)
1.Employees
2.Rotc 100%
3.Rotc 75%
4.Independent
5.Dance Trope
6.Rondaya etc.....
Ikolarships (External)
1.Garcia
2.Nograles
3.Davao Light
4.DOST etc.....

Order:
Ang UseP ay isang angkop na unibersidad para sa lahatna hangad makapag aral mahirap ka man o mayaman ay kayang mag aaral dito. Ay kilala na sa buong Mindanao dahil sa mga matatalino at mga masisipag na mga mag aaral na nag aral dito. Kilala din silang laging pasok sa mga board exams topnachers lalong lalo na pagdating ng sa larangan ng engineering board exams. Ang UseP ay kompleto sa mga pasilidad na kailangan upang makapag aral ng maayos ang mga sudyant sa larangan man sa akadimiko at di akadimiko. Kung problema naman sa pera ang pag uusapan ang UseP ay ay umaalok ng maraming iskolarship na handang ibigay para walang maitostos para pag aral. Ang UseP din ay nagbibigay ng high grade standard pagdating sa markahan. Kapag matapos ka naman sa iyong kurso ay walang problema kung saan makapagtrabaho dahil maraming kompanya ang humahabol sa mga grduates upang magbigay ng angkop na trabaho kung anumang especailisasyon mayroon ka. Kailangan lang dito ay deter minasyon sipag at tiyaga upang makapagtapos.

Paghahambing at pagkokontrast
Kung ihahambing natin ang USeP sa ibang unibersidad pagdating sa larangan ng kalidad. May mga unibersidad nga na umaalok ng iskolarship ngunit di naman basta-bastang makapasok. May mga unibersidad nga na umaalol ng murang tuition fee ngunit di naman mataas ang kalidad ang pagtuturo. Wala talagang makakalamang sa USeP. “ USeP WALA KANG KATULAD”

teksto ng pangangatwiran


USeP Isang
Panalong Unibersidad
ni:Bienvinido L.LunodJr.

“Many are called but few are chosen.” Ano ba ang ibig sabihin ng kasabihang ito? Paano ba natin maiugnay ang kasabihang ito sa ating paksa na UseP isang panalong unibersidad? Tunghayan.

Noon pa man ay kilala na ang UseP bilang isang kilalang unibersidad sa buong Mindanao. Dahil sa marami nang karangalan na nakamit nito. Lalon-lalo na sa larangan ng engineering board exams kilala na maraming nang mga estudyante na laging pasok sa mga “topnachers”. Katunayan ay sa taong 2009 ay may usep student nagkamit ng 3rd top performing school in ECE at 8th top performing school in ME. Bukod pa doon ay kilala na ang mga graduate student sa unibersidad na ito ay nakakakuha ng trabaho agad dahil maraming mga kompanyang humahabol na mapapasok ng mga graduate sa unibersidad na ito. Ito'y dahil na rin sa kilala ang mga studyante sa kanilang sapat na tiyaga at sikapat determinado sa trabaho. Tulad na lamang ng mga kompanyang coca-cola, DOLE, Davao Light, na hanggang ngayon ay patuloy na naghahaire ng mga UseP graduates at isa pa ay tumutulong din sila sa pagaaral ng mga studyante. Bukod sa ma kompanyang nagbibigay ng iskolarship ay marami pang iba na nag aalok ng iskolarship na maaring mapasokan kahit sino mahirap ka man o mayaman. Kaya wala nana hadlang sa pag aarl ng mga kabataan.

Para sa akin panalo talaga ang UseP para sa lahat ng mga studyante mayaman mayaman man o mahirap ay magagawa mo nang makapag aral. Maiugnay ko ang kasabihang “many are called but few are chosen” sa ating paksa sa pamamagitan ng ng ; marami ring mga unibersidad na nagsasabing mataas ang kalidad ngunit wala talagang makakapantay sa kalidad mayroon ang UseP. “PRUOD TO BE USePIAN”

Ang Mga Karanasang
Di Ko Makalimutan
ni Bienvinido L. LunodJr.
Lahat sa atin ay may mga karanasan na di makakalimutan. Habang buhay tayo ay da natin maiwasan na na makaexperiensya ng mga bagay na masasabi nating panghaban buhay dadalhin pagkat ika nga bahagi na ito n kabuuan nating buhay.may ma karanasan ka ba sa buhay na da mo makakalimutan? Kung mayroon anu-ano ang mga ito? Kailan ba ito nangyari?

Sa edad kung ito ay masasabi kung matagal-tagal na in ang pamamahagi ko sa mundong ito. Kaya masasabi kung marami-rami na rin ang aking naging karanasan na bi makalimutan. Mula pagkabata ay alagang-alaga na ako ng aking mga magulang ang karanasang ito ay masasabi kung di ko talaga makalimutan. Ika nga ang pag aaroga sa magulang natin ay napaka gandang karanasan na di dapat natin kakalimutan mula kabataan hanggang sa tayo'y natoto nang tumayo sa sarili nating mga paa. Pangalawa ay ang mga karangalan mula sa aking pag aaral at ang mga leksyon na aking natutunan mula doon at itoy na silbi nang gabay para matahak o ang tamang landas ng buhay ko. Masasabi kung na minsan ako ay nagkamali din ngunit pinipilit kung isipin na di na dapat akong nakamali dahil napag daan ko na ang mga bagay na ito. Isa pang karanasan ko ay ang pag aaral ko sa Unibersidad ng Timog Silangan Pilipinas, masasabi kung marami na rin akon napulot na aral sa luar na iyon na pwede kun dadalhin habang buhay.

Yun ay ilan lamang sa aking mga karanasan na di ko makalimutan. Sa ngayon ay patuloy pa rin akong umaasana marami pa akong makakaharap na pagsubok sa buhay na dapat paghandaan. Dahil ika nga “ everyday of our lives is part of learning process.” Ibig sabihin ay dapat tanggapin natin na kahit gaano pa man kalawak ang ating karanasan ay di parin sapat upnag maging kampanti tayo sa buhay at ispin na may roon pa tayo dapat alamin sa buhay at sa tulong ng pananalig at tiwala sa diyos.s